D, d 1: ikaapat na titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na di 2: ikaapat sa isang serye o pangkat 3: sa ilang paaralan, pinakamababàng pasadong marka sa gawaing akademiko 4: a ikalawang nota o tono ng diyatonikong eskala ng C major o ikaapat sa kaugnay na eskalang A minor b eskala o key na nakabatay sa notang ito 5: pasulat o palimbag na representasyon ng D o d 6: tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik D o d
oeuvre (ér•vra) 1: isa o kabu-uan ng likha ng isang awtor, pintor, kompositor, at iba pa 2: isa sa mga gawain ng mga nasabing propesyo-nal
bi•ta•mí•na D : anuman sa bitamina D1, D2, D3, na natutunaw sa tabâ, matatagpuan sa gatas, langis mula sa atay ng isda, gaya ng cod, at ultrabiyoletang iradyasyon ng ergosterol
coup d’ grace (kú•de•grá) 1: biglaang pagpatáy upang hindi na maghirap ang sugatán o malapit nang mamatáy 2: mapagpasiyang salakay o pagkilos